So, dumating ang mga pinsan ko nung May 20. At syempre, pag nandyan ang mga pinsan nandyan din sina tita at tito. Grabe eh. Ha ha. Hindi na magkasya dito sa bahay sa sobrang dami nilaa. Yung salas puno ng tao, yung kusina at pati yung kwarto. At dahil mainit, isinindi yung aircon. The whole day. :))) Tapos ayun. Syempre maingay kami pati magulo. :) Yung mga bata, kami ang nagbantay. Lalo na kay Aaron. Makulit itong batang ito eeh. Pero ang cuuuuteeee. :D
Tapos nung hapon. Ayon. Nahulog si Alain sa higaan. Nauna ulo. Nagsusuka and everything. Buti na lang dumating si Lola. Yung naghihilot sa amin ni Jan-jan simula nung bata pa kami. Ayon. Pinahilot. Tapos biglang sabi ni Lola, may humatak daw sa kanyang babae kaya siya nahulog. Eh di habang hinihilot niya, sinasabi niya yung mga dapat gawin para di na ulit ma-“bati” si Alain. Bumili ng insenso, asin, dahin ng bayabas, etc. Tapos pinausukan siya. Pati yung bahay pauusukan. Sabi ni Tita Lily, “Ate, sa ataas pa po. Pausukan niyo. May mararamdaman kayo.” Eh si nanay di naman naniniwala sa ganoon, eh di akyat lang siya. Nung nagpausok siya sa kwarto nina ate rachele at ate arlene, wala naman daw siyang naramdaman.. Kaso.. nung pumunta siya sa kwarto nila ni tatay..nanindig daw balahibo niya. Eh di binaliwala niya muna.. tapos nung sa kwarto daw ni jan.. ayun. lalo pa daw siyang kinabahan… Eh di tinawag niya muna si tita lily.. eh di tapos na yung kay jan.. nung sa kwarto ko naman, wala na. Parang ang lakas daw ng presence ng kung ano man yung nasa loob. K. Talagang kwarto ko eh nuh… Baka nandun si Mommy.. kwarto niya dati yun eeh. T.T and then. Hinahanap ni nanay yung cellphone niya. Pina-ring ni tita cecile.. tapos eh di yun, pinapakinggan nila kung nasaan. Sabi ko nasa kwarto ko. Eh di panhik si nanay, pero pinaparing pa rin ni tita.. Eh di yun, nakuha na pala ni nanay. Sabi ni tita, “Anla, i weng naman, sinagot pa.” Sakto, pababa si nanay. Sabi ni tita, “Bakit mo sinagot? sayang naman ining load ko..”
Nanay: hindi ko sinagot, ito oh, 1missed call.
Tita: sinagot mo kaya. may nagsalita pa nga eh, di ko lang maintindihan.
Nanay: hindi ko nga sinagot. ito oh, tingnan mo 1 missed call. Ikaw. oh yan.
Tita: eh bakit nasagot naman? tapos may nagsalita pa.. di ko lang maintindihan.
Kami: halaaaaa. :)))
—-
and then last naa. haha. Nagkwekwentuhan kasi kami sa salas.. Tapos si Aaron biglang bumaba, tumabi kay Tita Bel.
Aaron: Mama bel, tawag mo ako?
Tita: *hindi pinansin*
Aaron: *babalik sa taas*
Tita: Oh Aaron! Bumalik ka dito! Bababa baba ka tapos aakyat ka nanaman! Halika dito!
Aaron: anla! Tinawag mo kaya ako!
Ayun. Natigilan kami lahat. Wala naman kasing tumatawag sa kanya eeh. >.<
Eh di yun. Gabi na. Hahaha. Hindi namin alam kung paano matutulog at kung saan. Ang dami kasi namin. :)))
Eh di yun. Sa baba, 7 tao. Sa kwarto nina nanay, 6 tao. sa kwarto ko, 4 kami kasama ko sina Grace pati si Ina. :). Tapos sa kwarto ni Ate Arlene, 3. Kay ate Rachele, 2. kay jan, syempre 1 lang. :))) EH di un. Pahirapan ang pagtulog sa taas. haha. mga gusto pang maglaro ng mga bata. :D 12 na ata kami natulog.
Anyway, kinabukasan, aalis na sila. Nagtext si JP. May good news daw. Eh di yun. Di niya muna sinabi. Ako naman naghihintay. Eh di habang naghihintay inasikaso ko yung mga pinsan ko. Tapos mga 1pm, pinatawag ko na siya. Eh di un. tapos na nga ung problema sa babae. Eh di syempre, tuwa naman ako. Ang saya. :D kaso ayun, sabi niya mayang gabi na lang daw siya tawag. eh di kahit di okay, sige na lang.. tutal nandito pa mga pinsan ko. Tapos yun. Dumaan ang oras. umalis na sila. Eh di yun. Tawag siya ng mga 6:30PM. Tapos mga 7PM, nagpaalam din siya agad, kasi kakain na. ako naman may gagawin din. Tapos mga 8pm tumawag siya. Nagpapaalam, baraha daw sila.. Sabi niya tatawag siya. Eh di sabi ko sige, hihintayin ko. Eh di hintay naman ako. Hanggang sa mag12am na. :| tapos mag1AM na wala pa rin. Tapos bigla siyang nagtext. Matulog na daw ako. Pasensya na di siya makakatawag. Eh di syempre nainis na ako. Sabi ko nakakainis ka. Bla bla. Sorry siya. ganun. etc. Tapos nagtext ako sa kanya ng “GM”. Tapos sabi ko tawag siya. Eh di tumawag, naririnig kong nagbabaraha pa sila. Eh kapag naiinis ako, sa cp ko nilalabas. Nagttype ako. Naririnig niya. Akala niya may ka-text ako. Tapos nag-Hello siya. EH di syempre galit ako. Ayun. Nabara ko at lahat. tapos siya naman parang gusto niya pa baliktarin. Kasi daw istorbo siya sa katext ko bla bla. Bwisit. Sinabayan pa ako. :| wala na. Kakainis eeh. Tapos ayun, nung okay na ako. eh di okay na kami. Tulog na bla bla. and then paggising ng umaga, ayun. tinanong niya kung bumaba ako at kung nag-ayos. sabi ko bumaba, pero di na muna ako nagayos dahil tulog pa ang mga tao. Pati bumalik din naman kasi ako kaagad sa kwarto. Ayon. Siya naman akala gumaganti ako. Susot eh. Ayon, hanggang sa natapos wala, pareho kaming inis. Argh. Kainis lang. palibhasa kasi 22 ngayon eh. pati yung kahapon nakalimutan na niya kung ano meron. na letche na. :| kainis. sobraaa.
…coz it really hurts, it’s hard, and i thought that this kind of thing only happens in movies.. thought wrong.. >.< i can’t believe this is happening to me —i mean us..
i just hope that everything will be alright.
just please…. make the girl say the truth. only the truth… T.T pleaseeeeeeeee….. :((






